opmtunes - filipino music lyrics with guitar chords

Na Onseng Delight

Dyords Javier

   Intro: Ebm-C#M7-Ebm/F#-G#-

   (Do Intro chord pattern throughout the song)

   Ako ay may sasabihin sa inyo
   Ito'y hindi tsismis pagka't ito'y totoo
   Ang pangyayaring 'to ay naganap sa Tondo
   Lugar na kay saya lalo na kung may gulo
   Ang aming kapitbahay na si Mang Islaw
   Asawa ni Aling Barang na taga-Marilao
   Sila ay may anak na ubod ng ganda
   Pangalan ay Au-au, katawan ay wow

   Kami'y nagtataka kung bakit siya'y maganda
   Samantalang parehong pangit ang ama't ina
   Mukha ni Mang Islaw ay parang palitaw
   Mukha ni Aling Barang akala mo'y siopao
   Kapag nakita mong naglalakad si Au-au
   Tutulo'ng laway mo at mapapasigaw
   Ika'y matutukso sa ganda ng katawan
   Lalo na kung siya'y kumekembot sa daan
  
   Lahat ay napapalingon oh 
   Lahat ay nasisiyahan
   Hindi nakapagtataka kung siya'y ligawan
   Ng lahat ng uri ng kalalakihan
   Binata, may-asawa kahit na may apo
   Kasama na ang tomboy lumiligaw dito
   At isa sa naloloko, siya'y isang binata
   Pangalan ay Facundo

   Si Facundo may trabaho, maliit ang sweldo
   Doon siya sa pier, taga-push ng barko
   Si Mang Islaw ay ambisyoso
   Ang nais na manugang ay milyonaryo
   At nang umakyat ng ligaw si Facundo
   Ay diretsang hiniya ni Mang Islaw ito
   "Hindi ka dapat manligaw dito sa 'king anak
   Pagka't ika'y patay-gutom, mahirap at hamak"

   Sa sama ng loob ng kawawang si Facundo
   Inisip niyang lisanin malupit na mundo
   Kumuha ng lubid, kumuha ng lason
   Kumuha ng baril na kwarenta y singko
   Pumunta sa tulay, lubid ay tinali
   Uminom ng lason, at siya ay nag-bigti
   Nagbaril sa ulo nguni't ito'y daplis
   Tinamaan ang lubid, nalagot ito

   Nahulog si Facundo, bumagsak sa ilog
   Nakainom ng tubig, nailuwa ang lason
   O anong milagro! Nabuhay si Facundo
   Samantala ay balikan natin 
   Si Au-au na anak ni Mang Islaw
   Tila sa kanya ay merong lumiligaw
   Isang milyonaryo buhat pa sa Mindanao
   Barko niya'y tatlo, tuwa ni Mang Islaw
   Sa boundary lamang, pihong buhay na raw

   Ang milyonaryo ay bisita ni Au-au
   Laging dumadalaw, halos araw-araw
   Ang kotse niyang Chedeng, laging makikita
   Sa tapat ng bahay, naka-display t'wina
   Kapag ito naman ay nag-reregalo
   Ang mag-aanak ay parang ulol na aso
   May refrigerator, color TV
   Stereo set, sala set at dining set

   Walang paglagyan ng tuwa't kagalakan
   Itong si Mang Islaw at si Aling Barang
   Nang dahil sa swerteng nakamtan
   Itong anak ay pinagduduldulan
   Sumama sa date itong si Au-au
   Hanggang sa nawasak ang kinabukasan
   Hindi naman siya pwedeng pakasalan
   Pagkat ang milyonaryo, asawa niya'y siyam

   Buhay ni Mang Islaw na dati'y kay saya
   Nawalan ng sigla, biglang naging drama
   Lahat ng kasangkapang pinundar nila
   Isa't isang binawi, isa-isang hinila
   Kaya pala naman biglang nagkaganyan
   Mga appliances ay hulugan lamang
   Ngayon ang mag-aanak ay anong lungkot
   Pagka't ang milyonaryo ay hindi na sumipot

   Si Mang Islaw, aling Barang at si Au-au
   Kung baga sa mahjong, sila ay na-foul
   Ito'y isang aral dun sa mga switik
   Huwag namang masyadong maging materialistic
   Sa buhay ng tao mahalaga ang kwarta
   Subali't kung sobra wala na ring kwenta
   Pagkat ang lahat ng kasamaan sa mundo
   Iisa ang ugat: kwarta, kwarta, kwarta hahahaha!