opmtunes - filipino music lyrics with guitar chords

1-800 Ninety Six

Francis Magalona

   Intro: Cm-D-Gm-C#dim-D-D7-;
          Em-G-A-; (4x)

     Em                    G
   Sumaludo sa harap ng bandila
               A
   Kastila ka bang umaaalipin sa alila
               Em                 G
   Sinakop ng puti ang mga kayumanggi
                 A
   Pinagnanakaw ang lahi at sila'y naghari
           Em                               G
   Hanggang ngayon pa rin, sila pa rin ang nakaupo
            A
   Ilang daang taon mula noon nakagapos
              Em                          G
   Ang ating mga kamay, nakapiring ang mga mata
             A
   Dila'y pinuputol pag ika'y nagsasalita

   (Do chord pattern: Em-G-A-;)
   Tulad ni Rizal na panulat ang pinairal
   Si Andres ay pinatay ng kanyang mga kakulay
   Yo hablo Espanol (si Senor, conio)
   (Ako po ay isang mestisong indio po)
   You a friend of Uncle Sam?
   (I don't speak Tagalog, but I try to understand)
   Pilipino ka ba? (Bansai, Shinjimal)
   (Dorobo kedo moto oto kumal)

                Chorus
     Cm
   Dugo'y inialay para sa bayan
     
   Sayang naman ang kanilang pinaglabanan
    Gm
   Dugo'y bumaha at naging pataba
 
   Bulok na bunga, tumulo ang luha
    Cm
   Dugo'y inialay para sa bayan
 
   Sayang naman ang kanilang pinaglabanan
    D
   Dugo'y bumaha at naging pataba
    D7 (break)
   Bulok na bunga, tumulo ang luha
 
   Adlib: Em-G-A-; (2x)

   (Do chord pattern: Em-G-A-;)
   Perlas ng Sinilangan, kung tawagin ang 'Pinas
   Sinilang sa Silangan, angkan ni Malakas
   Anak ni Bathala, at ako'y nababahala
   Di ako naniniwala na ako ay malaya
   Akala ko ba Philippines 2000
   Pero bakit ganoon, parang walang patutunguhan
   Kung buhay lamang ating mga bayani
   Alam kong sila ang unang magsasabi
   Na kahit kailanman, bayan muna bago sarili
   Sa pagnanakaw ang nakaupo'y nawiwili
   Kapuna-puna ang mga anomalya
   Ang kakapal nila, mga walanghiya
   Barong Tagalog pa ang mga suot ng gago
   Pag nag-Tagalog baku-bako, ang labo
   Ilan sa liderato dapat sa krus ipako
   Alam ba ninyo kung sino ang mga tinutukoy ko?

   (Repeat Chorus)

   Adlib: Em-G-A-; (8x)

   (Repeat Chorus 2x)

   Coda: Em-G-A-; (2x)