opmtunes - filipino music lyrics with guitar chords

Lando

Gloc 9 (featuring Francis M.)

                     Chorus
  Am           C            G             Am
   Wag kang mabahala, may nagbabantay sa dilim
    Am            C            G         Am
   Nakaabang sa sulok at may hawak na patalim
  G         F         Am
   Di ka hahayaan na muli pang masaktan
  G              E       Am
   Wag ka nang matakot sa dilim

   (Do chord pattern: Am-C-G)
   Ito ay kwentong hango na galing sa dalawang taong 
   Nagmamahalan ng tunay ang ngala'y Elsa at Lando
   At kahit parang pagkakataon ay nakakandado
   Dahil magkalayo ang uri ng buhay at estado
   Ng buhay ni Lando ay di nalalayo sa marami
   Sinunog ng araw ang kulay ng balat at marami 
   Nang galon ng pawis ang kanyang naidilig sa lupa
   Upang ang gutom ay di na masuklian pa ng luha
   Habang ang babaeng kanyang minamahal ay sagana
   Ngunit kabilang sa pamilya na di alintanang
     F
   Makipagkapwa-tao sa mga tulad niyang dukha
     E
   Gayon pa ma'y patuloy ang pagmamahal na pinunla ng pag-ibig

   (Repeat Chorus)

   (Do chord pattern: Am-C-G)
   Kahit na ano pang bagay ang pilit na ihadlang
   Sino man ay walang makakapigil sa paghakbang ng mga paa
   Na ang nais ay marating ang ligaya
   Niyayang magtanan, di nag-atubili na sumama
   Hawak ang pangarap at pangako sa isa't-isa
   Nagpakalayu-layo, di namuhay na may kaba
   Dahil alam nila na sa bawat isa'y nakalaan
   At ang pagmamahalan tangi nilang sinasandalan
   Wala ng ibang bagay pa silang mahihiling
   Kundi isang pamilya sa loob ng apat na dingding
     F
   At isang bubong na maaring tawaging tahanan
     E
   Bakit may pangit na kabanatang kailangang daanan pa?

   (Repeat Chorus)

   (Do chord pattern: Am-C-G)
   Isang gabi ng Huwebes, lumubog na ang araw
   Doon tayo magkita, pasalubong ko'y siopao
   Upang ating paghatian pagdating ng hapunan
   Meron palang nakaabang sa 'min na kamalasan
   Eskinita sa Ermita, may sumaksak kay Elsa 
   Sa tagiliran isang makalawang na lanseta 
   Ang gamit upang makuha lang ang kanyang pitaka
   Kami'y mahirap lamang, bakit di na siya naawa?
   Hindi ko naabutang buhay ang aking mahal
   At hanggang sa huling hangtungan ay nagdarasal
   Bakit po, bakit po? ang laging lumalabas sa 'king bibig
   Palabuy-laboy ni walang landas akong sinusunod
   Baliw sa mata ng marami, siguro nga di ko na kilala aking sarili
      F
   Pangala'y taong grasa, may patalim na gamit
       E
   At ang tanging alam ay isang malungkot na awit, at ang sabi...

   (Repeat Chorus)

    G            E           Am
   Wag ka nang matakot sa dilim