|
||||
Chorus Bm A Ako'y isang sirena G F#7 Kahit anong sabihin nila, ako ay ubod ng ganda Bm A Ako'y isang sirena G F#7 Kahit anong gawin nila, bandera ko'y di tutumba Bm A Drum na may tubig ang sinisisid G F#7 Naglalakihang mga braso, sa 'ki'y dumidikdik Bm A Drum na may tubig ang sinisisid G F#7 Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib Bm Simula pa no'ng bata pa ako A Halata mo na kapag naglalaro G Kaya para lahat ay nalilito F#7 Magaling sa chinese garter at piko Bm Mga labi ko'y pulang-pula A Sa bubble gum na sinaba G Palakad-lakad sa harapan ng salamin F#7 Sinasabi sa sarili "ano'ng panama nila" Bm Habang kumekembot ang bewang, mga hikaw na gumegewang A Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang G Upang matakpan ang mga pasa sa mukha F#7 Na galing sa aking ama na tila di natutuwa Bm Sa tuwing ako'y nasisilayan, laging nalalatayan A Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan G Na imbes na tumigas ay tila lalong lumlambot F#7 Ang puso kong mapagmahal parang piluka na kulot (Repeat Chorus) (Do chord pattern: Bm-A-G-F#7) Hanggang sa nag-bibinata na ako Teka muna mali, dalaga na pala 'to Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin Ano bang mga problema n'yo Dahil ba ang mga kilos ko'y iba Sa dapat makita ng inyong mga mata Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala Kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang tuwa Kahit binaliw na sa tapang, kasi ganun na lamang Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang Tama na naman itay, di na po ako pasaway Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon Kasi araw-araw na lamang ay walang humpay na banat At inaaabot ang ganda kong pang-ilalim ng dagat (Repeat Chorus) (Do chord pattern: Bm-A-G-F#7) Lumipas ang mga taon na nagsipag-asawa Aking mga kapatid, lahat sila'y sumama Nagpakalayo-layo ni hindi makabisita Kakain na po itay, nakahanda nang lamesita Akay-akay sa paglakad paisa-isang hakbang Ngayo'y buto't-balat ang dati matipunong katawan Ngayon sa inyong kaarawan, susubukan kong palitan Ang lungkot na nadarama, wag na po nating balikan Kahit medyo naiinis, hindi dahil sa nagka-cancer Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y nakaduster Isang gabi, ako'y iyong tinawag Lumapit ako sa 'yong tabi ika'y tumangan Kumapit ka sa aking kamay kahit hirap magsalita Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha Dahil kung minsan, mas lalake pa sa lalake ang bakla Bm A Drum na may tubig ang sinisisid G F#7 Naglalakihang mga braso, sa 'ki'y dumidikdik Bm A Drum na may tubig ang sinisisid G F#7 Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib Bm A Ako'y isang sirena G F#7 Bm Kahit anong gawin nila, bandera ko'y di tutumba |