|
||||
Intro: Am-- Am Bathala Dm Likha ninyo ang bawat bagay sa mundo G Lupang kayumanggi't luntiang bukirin Am Alat ng dagat at tamis ng hangin Am Bathala Dm Ang bawat bagay na nagmula sa Inyong palad G Ay may tungkulin sa mundong kinagisnan Am Sa pagtupad nito ang lahat ay tinitimbang C Ang tao Am Inyong hinugis at pinaahon sa lupa F Pinagkalooban ng talino at diwa E Am Upang mundo'y ipagyaman Am Talino Dm Naging ararong nagpaamo sa parang G Naging kumpit na sumagupa sa karagatan Am Naging apoy na nagpalayas sa karimlan Am Sagana Dm Sa kayamanan ang mundong Inyong likha G At may bahagi rito ang bawat nilalang Am Kung susuyuin lang mula sa kalikasan C Subalit Am Buhay-dalisay ay di sapat sa iilan F Sila'y nasilaw sa kinang ng kasakiman G E Am break Ganid ng diyos ang sinamba (Bb) Pinaghahati-hatian po nila ang lupa Karagatan at himpapawid ngayo'y may bakod na Kapwa tao't hayop ma'y inaagawan ng tahanan Walang makaliligtas sa kanilang karahasan Kaunlaran at kabutihan daw ang kanilang sadya Subalit ang lumilitaw ay 'sang panggagahasa Adlib: Am-Dm-G-Am- C Bathala Am Ako'y hinugis Niyo't pinaahon sa lupa F Ang aking buhay ay dito nagmula G C G At dito rin inaalay C Bathala Am Bigyang-lakas itong Inyong tanod-lupa F Upang umiral sa mapagsamantala G C G Panalangin ko'y dinggin sana, harinawa C Bathala Coda: Bb-- (Music & Lyrics: Joey Ayala) |